Pagpuputol ng mga puno, dynamite fishing, kaingin at illegal mining; ito ang ilang halimbawa ng mga ginagawa ng tao na talagang nakakasira sa ating kalikasan. Hindi lingid sa kaalaman ng mga tao na sa kanilang pagsisira ng kapaligiran ay naaapektuhan din mismo ang tao. Ang kalikasan at kapaligiran ay mahalagang biyaya ng Diyos sa tao kaya may responsibilidad tayong pangalagaan ito at pahalagahan.
Sa panahon ngayon, makikita halos lahat ng lugar ang basura. Ang iyong bakuran ay may basura, sa paaralan ay may basura, sa bag mo ay may basura at baka ang kaibigan mo ay basura. Pero bago mangyari ang pagsakop ng mala-demonyong basura sa mundo dapat na tayong umaksyon at maghanap ng paraan para dito. Ang kapaligiran ang nagbigay sa atin ng makakain natin sa araw-araw. Kahit sa maliit na paraan dapat tayo ay magbigay ng kontribusyon sa kalikasan. Magwalis tayo sa bakuran, itapon ang basura sa tamang basurahan, mangisda tayo gamit ang malalaking butas sa net, magbigay ng mga programa sa baranggay tungkol sa kalinisan at pagpapahalaga sa kalikasan o di kaya ay magpost sa FACEBOOK, INSTAGRAM o TWITTER ng mga mensahe upang maligtas ang kalikasan. Magtanim pa tayo ng maraming halaman lalo na ang puno dahil ito'y nagbibigay sa atin ng pagkakataong mabuhay sa mundo. Sanayin ang mga isipan at magkintal ng mga kasanayan sa pagbibigay ng interaksyon sa likas na yaman. Gagawin natin ito para maiwasan ang mga kalamidad na nagsi-datingan sa mundo tulad ng global warming, bagyo at landslide.
Asan na ang dating Inang Kalikasan? Ang sagot diyan ay nasa ating mga kamay. Kapit-kamay nating bigyan ng magandang kinabukasan ang kalikasan sa pamamagitan ng pagbibigay atensyon dito. Palaganapin ang pagkakaisa sa mundo na bawalin ang mga nakakasamang gawain tulad ng kaingin, illegal mining at pagtotroso. May bukas pa ang mundo at Inang Kalikasan kung tayo'y kikilos NGAYON!


No comments:
Post a Comment